My mother’s day present for Mamita.

Ito yung nakasulat sa labas ng envelop:

Wag kang iiyak, Happy Mother’s Day Ma! :)

Iyakin kasi nanay ko, simpleng bagay lang iniiyakan na agad. Ganun siya talaga eh.

Ito naman yung nakasulat sa loob:

Happy Mother’s day Mama!


Di ko na matandaan kung kelan yung last time na nagbigay ako ng letter sayo kaya dapat itago mo to.


Kahit madalas tayo nagsisigawan at lagi akong umaangal tuwing nilalambing mo ako, gusto ko lang sabihin na mahal kita ma at salamat kasi lagi kitang [kayo ni Papa] naaasahan kahit malaki at matanda na ako. :)


Ito lang muna regalo ko sayo ngayon. Sa Friday ka na maningil ng medyo magarbo ah! hahahaha.


Yung brownies nga pala galing sa amin ni Pepay. 


Love you ulit,

Geejay

PS love ka din ni papa

Nahihiya ako ibigay yan sa mama ko kasi di naman kami ganito sa bahay. Si mama lang ang talagang expressive sa amin. So, ang ginawa ko nalang is, habang naglilinis siya ng banyo/naliligo, Iniwan ko to sa center table ng living room namin sabay balik ako ng kwarto tapos lock ng pinto… 

… maya maya, nagkakandasigaw na yung nanay ko papalapit sa kwarto ko, sabay sabing “buksan mo yung pinto”. Sabi ko naman “ayaw ko”, sabay tawa. Ilang beses din siyang nangulit pero di ko talaga siya pinagbuksan. Tapos sabi niya “thank you” sabay tawa then alis ng pintuan ng kwarto ko slash bodega namin. hahahaha.

Di ko talaga siya pinagbuksan. :] Lalamugin ako nun panigurado sa yakap at halik eh. Hahahaha Alam na namin agad yun. Kahit di ko siya pinagbuksan alam kong naramdaman naman niya yung importansya niya sa akin. 

Kaya, Happy mother’s day ulit sayo Ma! Love you!

1 week ago on May 14, 2012 at 11:28am

adikto:

tulog kami :D

Thesis days.

WAaaaaahhhh!!! Miss ko na tong 3 to [si Baron, si Edward at si Tracy — yung kumuha ng photo, ako yung naka taklob ng unan]. Mahilig kasi kaming kumuha ng sleeping shots dati kaya ayan, nakatalukbong ako ng unan habang tulog. Tulog na talaga kami niyan. Haaaaayst, ang bilis ng panahon AMP!

1 week ago on May 14, 2012 at 04:46am
via adikto
Interviewer:Why can’t you be alone without Yoko?

John Lennon: But I can be alone without Yoko, but I just have no wish to be. There’s no reason on earth why I should be alone without Yoko. There’s nothing more important than our relationship, nothing. And we dig being together all the time. Both of us could survive apart but what for? I’m not going to sacrifice love, real love for any whore or any friend or any business, because in the end you’re alone at night and neither of us want to be. and you can’t fill a bed with groupies. It doesn’t work. I don’t want to be a swinger. I’ve been through it all and nothing works better than to have someone you love hold you.

Idol kita Sir. John Lennon!!! Maganda lahat ng sinabi niya pero ito ang fave line ko sa interview na ito:

 Both of us could survive apart but what for?

(via thebribery)

Waaaaahhh!!! Yung tatay ni Emma Stone sa Easy A at si Caesar Flickerman ng Hunger Games… ay yung gumanap din na murderer sa Lovely Bones???????? DAFAQ!

(via wearethetributes)

PR ko sa aking unang Fun run [baka ito na din ang last :p]!

Di talaga ako tumatakbo pero bigla nalang akong ni-register ni Baron kasama si Eteng sa Hyundai Run. Wala na akong nagawa kundi itry na lang din kasi libre lang naman. 

Oo na, ako na mabagal. Ayaw ko naman atakihin ako ng hika kakatakbo nho! But it was a great experience. 

1 week ago on May 14, 2012 at 12:05am

.L.O.V.E.: GREATEST GIFT EVER RECEIVED ›

pearlfaye:

dati, madalas kong itanong ‘to sa isang taong espesyal sa buhay ko.

ako : ano na ginagawa mo?

sya : eto, nagawa lang ng kung “anu-ano.. :) “

Madalas ko syang kulitin ng ano ung “kung-anu-ano” na ginagawa nya.. ayaw nya talaga sagutin.. nagpa pilit o magpapa pilit pa daw sya ng mga ilang…

Likewise, I am also thankful for having you. Love you too po.